Monday, February 4, 2019

Takbo


Isang hapon di ko inakala,
Tatakbo lang sana para makatulog mamaya.
Ngunit nakita kita sa aking tabi,
Talaga nga namang nakakabighani ang gabi.

Ako'y nagmamadali pero di ko binilisan,
Sa mabagal mong pagtakbo ika'y sinabayan.
Inaantay bawat hakbang mo,
Umaasang sana mapansin mo ako.

Hindi ko alam kong anong meron ka,
At naisipan ko bigla ika'y napakaganda.
Kung katawan lang ang titingnan marami na akong nakita,
Mas balingkinitan pa sayo o higit pa.

Pero di ko rin alam kung bakit ako'y sumaya,
Sa bawat pagbilis ko'y ikaw ang inaalala.
Na para bang sinasabi ko sayo,
"Sige lang kaya mo pa".

Matagal rin tayong nag-ikot,
Mabagal na takbo pero paghingal ay nagpang-abot.
Hanggang ikaw ay napagod, at huminto.

Binagalan ko pa ang mabagal ko ng pagtakbo,
Para maramdaman mong ikaw ay inaantay ko.
Ngunit sa biluhabang takbuhan ikaw ay lumisan,
Kung pagod kana bakit tumatakbo kapa sa aking isipan?.







Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...