Tuesday, December 11, 2018

Kathang Isip (Hango sa bobo kong pag-iisip.)


Isang araw, tanghali na ng ako'y nagising,
Isang mensahe galing sa kaibigan agad kong napansin.
May magandang balita raw na parating,
Ako'y natuwa, Crush ko sa opisina,
May pag asang makilala.

Ako'y naghanda, nagbihis ng maganda,
Sumisipol habang tumatawa.
Imahinasyong mapaglaro, mapag-anyaya.
Forever sa piling nya naaaninag, nakikita.

At ganun nga ako ay pumasok na at nagpatuloy,
Umiilag sa init ng araw para damit ay di mangamoy.
Habang nandun na ilang oras inisip kung ano ang sasabihin,
Isip ko'y hinahasa at pilit minemorya,

Mga katagang sasabihin, punchline at iba pa,
Upang pag uusap natin di boring, maging masaya.
At dumating na oras pero bakit wala pa,
Ok lang baka sa break nalang nila.

Dumating na end of shift ko wala parin,
Unti unting bumabaon sa isip ko lumalalim.
Impossible nga yata na pumayag makipagkilala,
Nakalimutan ko isa siyang prinsesa.

Isang dyosa na animo'y hulog ng langit,
Kay ganda niya nakakalimutan kong pumikit.
Di bale na kung di ko siya makilala,
Basta sana lang makita ko siya minsan.

Ako ay umuwi, di ko na inisip kung bakit,
Puso ko parang dinurog sa lamig.
Ito nga yata ibig sabihin ng malamig na pasko,
Di pasko pero ang lamig na.

Di naman siguro masamang mangarap,
Atleast kanina ako'y sumaya.
Napangiti ng di ko nahahalata,

Isang kathang isip na gusto ko paniwalaan,
Alam ko namang sa huli masasampal ng katotohanan.
Ngunit tingnan ka ay isang karangalan,

Ang ikaw ay makasama ay parang lakad sa tubig,
Sa imahinasyon ko nalang itutuloy ang ating pag-ibig.








No comments:

Post a Comment

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...