Thursday, November 22, 2018

Pinto


At kahit anong ulit hilingin,
Sa langit pinagdasal na ng taimtim.
Mukha mong kay ganda,
Sana isang umaga, makapiling ko na.

Sana hindi nalang pangarap ang makasama ka,
Kundi aaraw-arawin na.
Mata mong mapang-akit,
Mga haplos mong maaruga.

Malambot mong boses,
Narinig kong magpasalamat.
Nung binuksan ko ang pinto,
Isang masayang oras.

Pinadaan lang kita,
Mundo ko'y huminto,
Pano pa kaya kung mapasakin,
Ang busilak mong puso.


No comments:

Post a Comment

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...