Thursday, June 13, 2019

Paalam na muna



At ito na ang aking huling tula,
Sa lugar na ito kung saan nagsimula.
Kung saan natagpuan ko ang ugat,
Ang Dahilan kung bakit sinimulang magsulat.

Salamat sa pagbigay ng dahilan,
Gana ko sa pagsusulat ay nadiligan.
Ngunit baka di na kita makitang muli,
Sa lugar na ito ako na ay aalis.

Salamat sa mga naipakita mo,
Sa pagpuna mo sa pagyayabang ko.
Kung maibabalik ko lang sana,
Baka kung nagsinungaling ako naging tayo pa.

Ngunit di ako nag sisisi,
Ayoko rin kasing manggamit ng iba para sa sarili.
Ako'y masaya marami akong nakilala,
Maraming karanasan aking nakita minsan nga naramdaman pa.

Isang daan tula kong pangako,
Sayo ay di mapapako.
Mawala man ako sa lugar na ito,
Patuloy parin naman akong matututo.

At sa panahong mababasa mo to,
Pasensya wala akong lakas magpaalam sayo.
May boypren kana,
Hindi na pwedeng bumalik pa.

Ganun paman ang makilala ka at iba pa ay naging mahalaga,
Para ako noon ay magiging ako ngayon.
Lubos nagpapasalamat ang aking puso,
Hanggang sa huling pagkikita binibini.

Antabayanan ang pagkatapos ng isang daang tula,
Pinangako ko sayo di mawawala.












No comments:

Post a Comment

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...