Friday, December 13, 2019

Binibining Culver


Isang umaga nakitang nakatulala,
Malayo ang tingin kahit wala sa bintana.
Dating matingkad na ngiti,
Ngayon ay parang nauupos na kandila.

Sarili ko'y aking nakita,
Na parang isang salamin.
Magkaiba man ang mukha,
Alam kong dati ganyan din ang nadarama.

Ang pag ibig ay may dalawang mukha,
Pwede kang pumili, Pero hindi pwede palaging manatili sa gitna.

Sa panahong digital, Nawalan na ng lohika,
Ang mga tao ngayon masyado ng umaasa sa makina.
Kasabay ay nagiging uso na rin yata,
Kung sino pa ang nagmamahal ay siya pa ang mauulila.

Binibining Culver, sa sinabi mong lilipas din,
Puso mo ay unti-unting maghihilom rin.
At sa hinaharap muli mo mang maaalala ang pagtulo ng yung luha,
Sa panahong iyon tiyak ko naman ikaw ay tatawa.

Dahil ang buhay ay parang gulong,
Masakit at mahirap pag ikaw ay nasa ilalim.
Ngunit di mapipigilan ang patuloy nitong pag-ikot,
Lahat ng pait ay mapapalitan, lilipas din.








Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...