Isang pamamaalam sa aking naturingan,
Isang modelo na pilit kong tinutularan.
Mula pagkabata hangang mag-kamulat,
Ikaw ang sa tingin ko'y higit pa sa nakakagulat.
Kung sa kahirapan sumuko na ang lahat,
Ikaw ay nag-aral gamit ang sariling pagsisikap,
Nakakamangha, nakakagulat, sa iyong ERA ikaw ay alamat.
Bibihirang tao na may pangarap,
Ginagawan ng paraan at nalulusotan ang akala'y impossible para sa lahat.
Walang hanggang pasasalamat,
Kung wala ka, ay wala rin kami lahat.
Mga naging Nars, Sundalo, Pulis, Magtuturo, Negosyante, at Kung ano pa man,
Ikaw ang naging inspirasyon para pangarap nami'y makamtan.
Sa iyong pagtuturo kami ay natuto,
Sa iyong suporta kami ay nagbago.
Pero minsan kelangan natin mag-paalam,
Katawan nating makamundo ay may hangganan.
Dumating tayo sa punto na meron ka palang sakit,
Pangarap mo, pangarap ko, pangarap nila ay biglang sumabit.
Pinapaalala ng may kapal,
Buhay ay hiram at minsan kelangan isauli para di siya mautal.
Ganyan talaga, tayo ay tao lang,
Pag ako naging dyos, bubuhayin kita ulit.
Kahit anong pilit, sa mata ko at ng mga bubwit,
Ikaw lang ang sakalam, natural, di kelangan ipilit!!!!