Itong tula mo sakin matagal na,
Ito yung panahon ako'y sugatan at baliw pa.
Ngayon ko lang ulit binasa,
Paumanhin, Patawad, Minsan talaga ako'y tanga.
Sa panahon kasing iyon ako'y dipa buo,
At masyadong mataas ang respeto ko sayo.
Ang ikaw o kahit sinuman gamitin at gawin panakip butas,
Wala sa listahan ko.
Nakakatuwa ngayon ko lang naiintindihan,
Napatanong tuloy ako sa nakaraan.
Bat ba kasi ang tanga ko minsan,
Masyadong honest, yan tuloy lumisan.
Isang karangalan sakin ang sulatan,
Sa panahong digital para tayong mga makabagong Rizal.
Ngayon ako'y magaling na,
Sayang at ika'y wala.
Ikaw pa naman ang dahilan,
Ang umpisa ng pagsusulat ko ng tula.
Nagkita tayo Kung di lang sa maling oras,
Naging tama sana ang ating bukas.
At kahit ganun paman,
Pangako kong isang daang tula,
Di ko na ma-aalay para sayo,
Isusulat ko nalang ang buhay ko.
Hindi ikaw si Stella,
Hindi ako si Fidel,
At wala tayong eksena sa palabas,
Ngunit isang daang tula isusulat ko ng pabulas.
#PoemNumber41
- jestarosa.blogspot.com
At sa kabilang panig ng pag-ibig na masaya, ay mga storya ng sakit at hilaw na pag-asa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paalam sa Haligi
Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...
-
Katwiran, isang salitang tangi kong panlaban, Sa bawat pagkakataong ako'y nahihirapan. Lagi akong may katwiran, Pero kahit meron n...
-
Binilang ko ang tala at buwan araw-araw gabi gabi, Ngunit di ko parin mahagilap at maisip kung pano ako sayo tatabi. Masyadong mataas an...
No comments:
Post a Comment