Tuesday, July 24, 2018

Tadhana



Tadhana -isang salitang pinaniniwalaan ng mga bata,
Na ani moy inaantay ang pagbaba ng mga Anghel sa Lupa.

Minsan mapagbiro, Minsan tama,
Hindi aakalain ako'y maniniwala.

Ako ay isang taong Existensyal,
Di ako naniniwala sa majika at paranormal.
Ngunit kahit anong pilit, di ko mawari,
Lagi tayong pinagtatagpo, Anong nagyayari?

Di ko na maipaliwanag gamit ang syensya,
Kakaiba nagugulo ang aking konsensya.

At di ko rin alam kung ako talaga'y siniswerte o minamalas,
Ang alam ko lang gusto ko ulit tumakbo sa ganitong oras,
Sana ganito rin bukas.

No comments:

Post a Comment

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...