At sa kabilang panig ng pag-ibig na masaya, ay mga storya ng sakit at hilaw na pag-asa.
Thursday, August 2, 2018
Makata
Di na kami gumagamit ng mga ballpen at tinta,
Gamit namin ay digital na, Kami ang bagong henerasyon ng makata.
Ngunit ang gawa nami'y nakaugnay parin sa nakaraan,
Bawat letra na sinusulat binubuo gamit ang kasaysayan.
Mga bagay na amin ng nakagawian,
Minsan nangaling mismo sa aming kaurian.
Na ang iba'y ginagawang kanta,
Ginagawang liriko ang bawat salita.
Kami ay nabigyan ng prebelihiyong makapag pahayag,
Gamit ang social media at mga blog.
Kami ay pinagpala,
Di na kami huhulihin ng mga banyaga.
May kahulugan bawat salita,
Minsan masaya, minsan hindi nakakatuwa.
Ang lahat ng ito ay utang namin sa mga bayani,
Naglakas ng loob para tayo ay mabigyan karapatang pumili.
At ang resulta ay ang binhi,
Umusbong at lalago, kapalit ng buhay nila ginamit na pambili.
Kami ay mga makabagong makata,
Gumagawa ng kwento, kanta, rap, at salaysay na tula.
Ngunit hindi malilimutan kung saan sila nagsimula,
At bubuksan ang isipan sa makabagong tema.
Ibubuhos ang emahinasyon sa bawat letra,
Naway magsilbing binhi para sa iba,
At ng sila'y makakabuo ng bagong ideya,
At masisilang ang mga makabagong makata.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paalam sa Haligi
Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...
-
Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...
-
Roses are red, Violets are blue. No, I am not going to try, Cliche words for you. I know lately you have been thinking, Things might h...
No comments:
Post a Comment