Thursday, August 16, 2018

Ang Babae sa Pantry


Di ko na mabilang ilang araw ang lumipas,
Mula nung una kitang makita sa aking landas.
Paharang harang na parang di alam kung san pupunta,
Nagbago lahat nong nakita ang iyong mga mata.

Napakaganda, parang painting ni Mona Lisa,
Kumiskislap na parang isang malaking tala.
Ako'y nanlamig, Di ko maigalaw ng tama,
Itong katawan kong araw araw ko sanang sinasanay.

Araw-araw akong nag abang,
Pabalik-balik sa lugar kung saan kita unang nakita.
At sa bawat pagdating ko sa lugar na yon ay may kaba,
"Andito kaya siya?"

Minsan ay nanjan, Kadalasan ika'y wala,
Pero okay lang sakin basta may chance na makita,
Kulay rosas mong mukha, maninipis mong labi,
At ang natatangi mong ngiti.

Yung mga ngiti na,
Parang maiinit na halik dumadampi saking pisngi.
Hindi man magiging tayo,
Atleast nakalapit ako sayo.

Hindi ko alam kung ako ang iyong tinitingnan,
O baka nakatingin ka lang sa bandang likuran,
Baka ma kasama ka lang,
Na siya mong tinititigan.

Bahala na kahit ganun,
Basta nakita ko ang yong mukha.
Ganun ka pala kaganda pag tumatawa,
Nakakahalina, parang pinagbabawal na droga.

At sa susunod ulit na pagkikita,
Sana bukas andito ka, o kung pwede please mamaya na.
Isang regalo ng may kapal na kung makilala ka,
Pano pa kaya kung mayakap pa kita.

No comments:

Post a Comment

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...