Friday, August 10, 2018

Ulan sa Hapon



Heto nanaman ang ulan,
Ang plano kung pag-takbo nauwi sa kwentohan.
Buti nalang di nag inuman,
Mga kabarkada ko -nagsipag awitan.

At sa bawat kas kas ko sa aking gitara,
Sanay marinig mo ang bawat kanta,
Ng puso kong sayo ay tulala.

Wag na wag kang mag-alala,
O di kayay mabalisa,
Sa pagkat ang balikat ko'y sanay na,
Binuhat ko na ang mundo, ikaw pa kaya?.

Wag matakot at manalig,
Sayo lang ang aking pag-ibig.
At kung sakaling ika'y malasing sa gitna ng gabi,
Ako na mismo ang maghahatid sayo pauwi.

Masigurado ko lang na ikaw ay ligtas,
Walang kahit sino man sayo ang mangangahas.
Pagkat ako ang iyong knight in shining armor,
Di ako kumikinang ngunit ang kabayo ko ay de motor.

Handang ikaw ay ipagtangol,
Buong lakas ko'y iuukol.
Para sayo aking sinta,
Sabihin mo lang -handa kitang ikarga.

At kung darating ang panahon na hindi na sapat,
Mga simpleng bagay na sayo nagpapa kindat.
Pag ibig natin handa kong iangat,
Sa next level o simbahan natin gagawan ng pamagat.




No comments:

Post a Comment

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...