Thursday, March 7, 2019

Sa Sulok



Sa sulok ng isang silid,
Lubid ay pilit binabatid.
Parang kadenang pumipihit,
Nakatali sa puso kong namanhid.

Kahit anong gusto kumawala,
Nauuwi lang lahat sa pekeng pagtawa.
May umuusbong na takot,
Humihina pag-ibig laban sa lungkot.

Kay tagal ko mang minimithi,
Kalayaan para bang di ko mababawi.
Di makita kung pano nakakulong,
Sa rehas mong di masusuplong.

Sa isang sulok ako ay malungkot,
Ngunit nakangiting namaloktot.
Dahil sa isang sulok na sa iba'y salot,
Dun ko inipon at ginapos ang aking poot.

No comments:

Post a Comment

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...