At sa paglipas ng unos,
Nakatayo parin ang pag-asang nalapnos.
Na para bang may kinakapitan,
Kaunting liwanag lang ang pinanghahawakan.
Di ko alam kung papaano,
Sa bawat pagtulog inaalala ko.
Sa bawat pag higa nakikita ang mukha mo,
Na umaasang sana maging tayo.
Alam ko namang impossible,
Pero nasanay narin naman kasi akong mabuhay at mag silbi.
Di alintana ang galit at poot saking damdamin,
Pagtatampo ko'y wag sanang baliwalain.
Isang munting hiling na sanay mapansin,
Di man ako ang iyong hiling ngunit ikaw ay lahat para sakin.
Mahirap man lampasan ngunit aking titiisin,
Hanggang sa muling pag unos aantayin ang iyong pagdating.
No comments:
Post a Comment