At sa kabilang panig ng pag-ibig na masaya, ay mga storya ng sakit at hilaw na pag-asa.
Wednesday, June 19, 2019
Bitter Ako
Nakakamithi at nakakabighani,
Mapula mong labi na tinatakpan ng ngiti.
Ngunit binibini pasintabi,
Anong nangyari sa makinis mong pisngi?
Halos pinangandakan sa buong mundo,
Na siya ang karapat dapat ibigin mo.
Yung tipong ikaw ay sigurado,
Happy ending nag aantay sa dulo.
At lumipas ang ilang buwan,
Dati masaya mong mga araw ngayon ay luhaan.
Di kaba nag tataka?,
Kung tama ang nabasa mo sa FB bakit marami parin ang lumuluha?.
Nasanay kasi kumain sa suhestyon ng madla,
Inapakan nararamdaman at pumili ng iba.
Kasi "he is the right one" sabi nila,
Nakalimutan panahon nagbago na kahit pangit ay lolokohin ka pa.
Di ko naman sinasabing di ako nabibilang jan,
Atleast ako may konting katalinohan.
Alam ko ang tama sa mali,
Kaya tama ng mahalin ka at mali ng maglaan pa ng oras sayo.
Thursday, June 13, 2019
Paalam na muna
At ito na ang aking huling tula,
Sa lugar na ito kung saan nagsimula.
Kung saan natagpuan ko ang ugat,
Ang Dahilan kung bakit sinimulang magsulat.
Salamat sa pagbigay ng dahilan,
Gana ko sa pagsusulat ay nadiligan.
Ngunit baka di na kita makitang muli,
Sa lugar na ito ako na ay aalis.
Salamat sa mga naipakita mo,
Sa pagpuna mo sa pagyayabang ko.
Kung maibabalik ko lang sana,
Baka kung nagsinungaling ako naging tayo pa.
Ngunit di ako nag sisisi,
Ayoko rin kasing manggamit ng iba para sa sarili.
Ako'y masaya marami akong nakilala,
Maraming karanasan aking nakita minsan nga naramdaman pa.
Isang daan tula kong pangako,
Sayo ay di mapapako.
Mawala man ako sa lugar na ito,
Patuloy parin naman akong matututo.
At sa panahong mababasa mo to,
Pasensya wala akong lakas magpaalam sayo.
May boypren kana,
Hindi na pwedeng bumalik pa.
Ganun paman ang makilala ka at iba pa ay naging mahalaga,
Para ako noon ay magiging ako ngayon.
Lubos nagpapasalamat ang aking puso,
Hanggang sa huling pagkikita binibini.
Antabayanan ang pagkatapos ng isang daang tula,
Pinangako ko sayo di mawawala.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Paalam sa Haligi
Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...
-
Katwiran, isang salitang tangi kong panlaban, Sa bawat pagkakataong ako'y nahihirapan. Lagi akong may katwiran, Pero kahit meron n...
-
Binilang ko ang tala at buwan araw-araw gabi gabi, Ngunit di ko parin mahagilap at maisip kung pano ako sayo tatabi. Masyadong mataas an...