Tuesday, August 13, 2019

Hooooy



Binibini wag ka ng magtampo,
Sapagkat ako din ay nasaktan sayo.
Di ko naman sinasabing dapat patas tayo,
Ang nais ko lang sana kahit konti intindihin mo.

Akala ko ang kagabi masaya,
Ayos na sana lahat kaya biglang umiyak ka.
Ako ay nagulat at nadismaya,
Ako ba ay di sapat kaya ka lumuha?.

Pinilit mo akong magsalita,
Kahit wala at ayaw ko, napilitan mag sinungaling.
Alam ko kasi gusto mong marinig ang aking saluubin.

At ng ginawa ko ikaw ay biglang nagalit,
Binibini nakalimutan mo yata di ako katulad niya.
Kung siya madaling magtampo sa konti mong salita,
Binagsak na sakin buong langit at lupa ngunit ako parin ay nakangiti,  natutuwa.

Hindi lahat ng tao katulad niya,
May mga taong makasama ka lang ay sapat na.
Kahit masaktan ay bale wala,
Alam ko naman hindi mo intensyon, ikaw ay nadala lang bigla.

At pag uwi ko kagabi,
Biglang tumigil ang sandali.
Naalala ko wala na pala akong gas,
Kaya tinulak ko ang mabigat kung puso sa gusto kong landas.

Mabigat, nakakapagod,ngunit ako ay naka ngiti,
Kung di lang tayo nagkatampuhan siguro perpekto ang gabi.

At pag nabasa mo na ito, Sana ay maalala mo.
Ako lang din ay isang tao, Akala ko rin nga ako ay perpekto.
Ngunit ang layo ko pa pala, Sa isang libong pagkakataon, Sana ay patawarin mo.
Matulog kang nakangiti, Mahal ko. :)

No comments:

Post a Comment

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...