At sa kabilang panig ng pag-ibig na masaya, ay mga storya ng sakit at hilaw na pag-asa.
Thursday, September 26, 2019
Sadyang..
Isa lang naman ang aking pangarap,
Pero bakit napakailap.
Gusto ko lang naman sumaya,
Pusong sanay busilak, sinalo ng duda.
Noong Puso'ng nagliliyab,
Ngayon ay pagod at basag.
Namimilipit sa sakit,
Ngunit di man lang makapalag.
Di na mapapawi ang sakit na dulot,
Laging naman kasing sinisindihan ang galit at poot.
Hinayaang mautas,
Pinabayaan magdamag, Ngayon puso ay butas.
At kahit anong sigaw di maririnig,
Mata kong laging dilat ngayon ay ipipikit.
Mga salitang napakawalan,
Nagmula sa galit ng dibdib.
Mga salitang tumatabas,
Na kahit magtago sa pader ay tatagos.
Sinabi na nila ngunit sasabihin ko nanaman,
Ang magtatanim ng poot, aani ng malakas na ulan.
Itigil na ang digmaan,
Wala naman mananalo, Puro talo lang.
Sadyang napaka ilap ng pag-ibig,
kapag puso natin dalawa naubusan ng pintig.
Sadyang....
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paalam sa Haligi
Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...
-
Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...
-
Roses are red, Violets are blue. No, I am not going to try, Cliche words for you. I know lately you have been thinking, Things might h...
No comments:
Post a Comment