Tara na hawakan mo ang kamay ko,
At hihilahin kita, dadalhin sa paraiso.
Alam kung isang malaking digmaan ang minsan ng dumurog sayo,
Damdam ko ang sakit sa bawat letrang lumalabas sa bibig mo.
Nalasahan ang pait,
Na kahit papano hinahaloan mo ng konting kulit.
Ngunit di mo maitatago,
Napakalaking sugat nagbabakas sa iyong puso.
Mukha lang akong tahimik pero ako'y nakikinig,
Ginuguhit sa isipan bawat scenario na lumalabas sayong bibig.
Pinapakingan ang ingay at bawat pantig,
Sa tenga ko parang isang mapayapang awit ang iyong tinig.
Alam ko kahit sa panaginip impossible,
Natatawa nga ako minsan sa aking sarili.
Pano kaya buburahin ang sakit at hapdi,
Nagbabakas ang takot at poot sa iyo binibini.
Bakit nga ba di mo hawakan,
Ang aking kamay kahit isang beses minsan.
At sa iyo'y aking ipaparamdam,
Ang aking mundo ay masaya, Sana dito kana lang.
-jestarosa.blogspot.com
-10/3/2019
At sa kabilang panig ng pag-ibig na masaya, ay mga storya ng sakit at hilaw na pag-asa.
Thursday, October 3, 2019
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paalam sa Haligi
Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...
-
Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...
-
Isang araw, tanghali na ng ako'y nagising, Isang mensahe galing sa kaibigan agad kong napansin. May magandang balita raw na parating,...
No comments:
Post a Comment