Monday, June 1, 2020

Pinoy Ako

Panahon na tila nababaliktad,
Nung dati'y umiiyak gustong lumabas,
Ay ngayon nag-rarant ng walang habas,
Nagpuputak, Gobyerno raw ay walang utak.

Aba, magaling, mga mag-aaral na tamad pumasok,
Tila nag-iba na ang hiling,
Nung dati nagreklamo dahil di makita ng boyfriend at girlfriend,
Ngayon ay dakdak at umiiling.

Totoong may di makaka-afford mag home schooling,
Di ibig sabihin ang lahat ng klase ay dapat kanselahin.
Mga naka braces, at mahilig mag post sa I.G.,
Aba biglang di na afford ang P.C.?

Wag nyong sabihing lahat kayo naging skolar,
At di afford ang tuition kung saan kayo nag-aral.
Mas nag rereklamo pa yung mga may kaya,
Kaysa sa mga walang kagamitan at nag sumikap makaipon ng barya.

Mga taong binilog sa pekeng demokrasya,
Aba, iho at iha magtaka kana,
Dati sabi nilang dektador bakit mayaman ang bansa?,
Pero ngayon may demokrasya bat pulubi na?.

Masarap ba ang regalo ni angkol Sam galing Amerika?,
Mga nakasoot ng dilaw ngunit maiitim naman ang budhi nila.
Isama na natin ang mga pinoy na polpol,
Totoo nga, we have the best leaders but the worst people.

Gusto pa yata subuan ng gobyerno,
Mga feeling entitled kaya di na aasenso.
Total trip nyong gumaya sa mga amerkano,
Bat di kayo mag rally sa labas at mang loot mga bobo.

Tapos gawin nyo narin dahilan ang demokrasya,
Kunwari nakikipaglaban kayo para sa kalayaan at hustisya.
Wala naman din kasing napapansin kung sumusunod sa batas,
Kaya dito na tayo magpasikat para mapansin kahit ungas.

Ganito tayong mga pinoy,
Mga bobo pero kunwari magaling parang abnoy.
Wala rin naman kasi tayong pake,
Mas inuuna pa nga natin manghimasok kaysa mag study.

Imbis na solusyon ang nakikita sa problema,
Ay problema ang nakikita sa solusyon.

Oo, Pinoy ako,
Isa ako sa inyo.

Nung enero dalubhasa tayo sa bulkan,
Nung nakaraang buwan sa epedimyo,
Minsan dalubhasa sa law.
Ganyan naman tayong mga pinoy eh, paikot-ikot lang sa buho.

Kaya ba di tayo maka-asenso?
Dahil paulit-ulit nating binabalikan ang noon pay dati ng talo.

No comments:

Post a Comment

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...