Isang pandemya ang kumalat,
Nagpahirap sa aming lahat.
Paumanhin at ngayon lang ulit naka pag-sulat,
Nais ko lang linawin, pangako ko'y di pa nalingat.
Isang daang tula ang iaalay,
Para sa taong wala na saking buhay.
Ni di ko nga maalala,
Kung pano tinapos ang walang simula.
Nakalimutan ko man ang iyong pangalan,
Sa tagal at dami ng taong nakasalamuha sa kasalukuyang daan.
Isa lang ang di ko makakaligtaan,
Mga pangako ko sa nakaraan.
Hindi ako politiko nangangako,
At wala din akong makukuha sa pagtupad nito.
Lubos ang aking pasasalamat,
Isa ka sa naging daan para siya ay aking mahanap.
At ngayon ako ay masaya na,
Marami na kaming plano para sa hinaharap.
Di ko lubos maisip ang bilis ng panahon,
Mga iniluha ko dati ngayon ay may tugon.
Ngunit ako ay magbabalik tanaw,
Tatapusin ang mga pangako kong naibitaw.
Isang daang tula ay aking pasasalamat,
Ang pagsusulat ko sa pahinang ito, ikaw ang naging ugat.
No comments:
Post a Comment