Thursday, May 16, 2024

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan,

Isang modelo na pilit kong tinutularan.

Mula pagkabata hangang mag-kamulat,

Ikaw ang sa tingin ko'y higit pa sa nakakagulat.


Kung sa kahirapan sumuko na ang lahat,

Ikaw ay nag-aral gamit ang sariling pagsisikap,

Nakakamangha, nakakagulat, sa iyong ERA ikaw ay alamat.

Bibihirang tao na may pangarap,

Ginagawan ng paraan at nalulusotan ang akala'y impossible para sa lahat.


Walang hanggang pasasalamat,

Kung wala ka, ay wala rin kami lahat.

Mga naging Nars, Sundalo, Pulis, Magtuturo, Negosyante, at Kung ano pa man,

Ikaw ang naging inspirasyon para pangarap nami'y makamtan.


Sa iyong pagtuturo kami ay natuto,

Sa iyong suporta kami ay nagbago.

Pero minsan kelangan natin mag-paalam,

Katawan nating makamundo ay may hangganan.


Dumating tayo sa punto na meron ka palang sakit,

Pangarap mo, pangarap ko, pangarap nila ay biglang sumabit.

Pinapaalala ng may kapal,

Buhay ay hiram at minsan kelangan isauli para di siya mautal.


Ganyan talaga, tayo ay tao lang,

Pag ako naging dyos, bubuhayin kita ulit.

Kahit anong pilit, sa mata ko at ng mga bubwit,

Ikaw lang ang sakalam, natural, di kelangan ipilit!!!!


Monday, August 14, 2023

Kabado

Pasensya na't ngayon lang ulit nagparamdam,
Sa kasalukuyan wala namang dinadamdam.
Ngunit diko mai alis sa aking isip,
May halong takot at pagkasabik.

Parang kahapon lang natin nalaman,
Bagong kasal ngunit tiyan moy nagka laman.
Laking tuwa natin ng malaman,
Di tayo baog at mayron ng papangalagaan.

Ngunit di ko maalis sa aking sarili,
Sa isip koy laging suma sanguni.
Sa laki ng pagmamahal ko sayo pano kung mangyari,
Ang di inaasahan, ang kinatatakutan ng marami.

Di ko talaga maiwasan kabahan, 
Kaya laging lasing sa linggong katapusan.
Pasensya na at di ko maamin,
Ganito pala maging ama, nagiging ma aalahanin.

Sa buwang papalapit, 
Ang kaba ko'y lalong sumusungit.
Sana maging ligtas kayong dalawa,
Hanggang ipagpalit buhay ko basta kayo'y himihinga.

Asawa ko maging ligtas kang manganak,
Anak ko sana'y maging ligtas kang lalabas. 

Sunday, April 10, 2022

Ghost

The past that is hunting us even in our dream,
Is so far the scariest ghost I've seen.

No matter how hard you try to forget,
The more it recollects its spirit.

Silently dominating our sleep,
The helpless subconscious is now their realm. 

When you close your eyes you get hunted,
Of the dark past you will forever regret.


Friday, January 7, 2022

Akala Mo

Isang pandemya ang kumalat,
Nagpahirap sa aming lahat.
Paumanhin at ngayon lang ulit naka pag-sulat,
Nais ko lang linawin, pangako ko'y di pa nalingat.

Isang daang tula ang iaalay,
Para sa taong wala na saking buhay.
Ni di ko nga maalala,
Kung pano tinapos ang walang simula.

Nakalimutan ko man ang iyong pangalan,
Sa tagal at dami ng taong nakasalamuha sa kasalukuyang daan.
Isa lang ang di ko makakaligtaan,
Mga pangako ko sa nakaraan.

Hindi ako politiko nangangako,
At wala din akong makukuha sa pagtupad nito.
Lubos ang aking pasasalamat,
Isa ka sa naging daan para siya ay aking mahanap.

At ngayon ako ay masaya na,
Marami na kaming plano para sa hinaharap.
Di ko lubos maisip ang bilis ng panahon,
Mga iniluha ko dati ngayon ay may tugon.

Ngunit ako ay magbabalik tanaw,
Tatapusin ang mga pangako kong naibitaw.
Isang daang tula ay aking pasasalamat,
Ang pagsusulat ko sa pahinang ito, ikaw ang naging ugat.

                                                              Monday, June 1, 2020

                                                              Pinoy Ako

                                                              Panahon na tila nababaliktad,
                                                              Nung dati'y umiiyak gustong lumabas,
                                                              Ay ngayon nag-rarant ng walang habas,
                                                              Nagpuputak, Gobyerno raw ay walang utak.

                                                              Aba, magaling, mga mag-aaral na tamad pumasok,
                                                              Tila nag-iba na ang hiling,
                                                              Nung dati nagreklamo dahil di makita ng boyfriend at girlfriend,
                                                              Ngayon ay dakdak at umiiling.

                                                              Totoong may di makaka-afford mag home schooling,
                                                              Di ibig sabihin ang lahat ng klase ay dapat kanselahin.
                                                              Mga naka braces, at mahilig mag post sa I.G.,
                                                              Aba biglang di na afford ang P.C.?

                                                              Wag nyong sabihing lahat kayo naging skolar,
                                                              At di afford ang tuition kung saan kayo nag-aral.
                                                              Mas nag rereklamo pa yung mga may kaya,
                                                              Kaysa sa mga walang kagamitan at nag sumikap makaipon ng barya.

                                                              Mga taong binilog sa pekeng demokrasya,
                                                              Aba, iho at iha magtaka kana,
                                                              Dati sabi nilang dektador bakit mayaman ang bansa?,
                                                              Pero ngayon may demokrasya bat pulubi na?.

                                                              Masarap ba ang regalo ni angkol Sam galing Amerika?,
                                                              Mga nakasoot ng dilaw ngunit maiitim naman ang budhi nila.
                                                              Isama na natin ang mga pinoy na polpol,
                                                              Totoo nga, we have the best leaders but the worst people.

                                                              Gusto pa yata subuan ng gobyerno,
                                                              Mga feeling entitled kaya di na aasenso.
                                                              Total trip nyong gumaya sa mga amerkano,
                                                              Bat di kayo mag rally sa labas at mang loot mga bobo.

                                                              Tapos gawin nyo narin dahilan ang demokrasya,
                                                              Kunwari nakikipaglaban kayo para sa kalayaan at hustisya.
                                                              Wala naman din kasing napapansin kung sumusunod sa batas,
                                                              Kaya dito na tayo magpasikat para mapansin kahit ungas.

                                                              Ganito tayong mga pinoy,
                                                              Mga bobo pero kunwari magaling parang abnoy.
                                                              Wala rin naman kasi tayong pake,
                                                              Mas inuuna pa nga natin manghimasok kaysa mag study.

                                                              Imbis na solusyon ang nakikita sa problema,
                                                              Ay problema ang nakikita sa solusyon.

                                                              Oo, Pinoy ako,
                                                              Isa ako sa inyo.

                                                              Nung enero dalubhasa tayo sa bulkan,
                                                              Nung nakaraang buwan sa epedimyo,
                                                              Minsan dalubhasa sa law.
                                                              Ganyan naman tayong mga pinoy eh, paikot-ikot lang sa buho.

                                                              Kaya ba di tayo maka-asenso?
                                                              Dahil paulit-ulit nating binabalikan ang noon pay dati ng talo.

                                                              Wednesday, February 26, 2020

                                                              Good Night

                                                              I am so sorry, I apologize,
                                                              Lately, I ran out of jokes to make you smile.
                                                              And so I feel incompetent,
                                                              For what do I exist for, if I can't make you  happy at least for a minute...

                                                              Before I can't relate,
                                                              But I think this is the meaning.
                                                              When I see you not happy,
                                                              It feels so cold and lacking.

                                                              I can't stop thinking,
                                                              It's not that I am hoping,
                                                              It's just warms my heart,
                                                              ----to see you smiling.

                                                              I miss the night we slept in one bed but didn't hug you tight.
                                                              It might be late for that, but always never for a "goodnight".

                                                              Sumpungin



                                                              Binibining sumpungin,
                                                              Dinggin ang aking panalangin.
                                                              Isip koy linawin,
                                                              Isipan ko'y sa mukha mo laging nakatingin.

                                                              Napapangiti bawat gunita,
                                                              Pagpunas mo sa akin kahapon,
                                                              Para akong hinulugan ng himala.

                                                              Na di ko na alintana malakas na ulan,
                                                              Kasi puso ko naman nag babaga.
                                                              Umaapoy sa tuwa,
                                                              Nakangiti sa loob ng helmet na basa.

                                                              At ngayong araw sa iyong pag uwi,
                                                              Dalangin ko'y iyong ngiti.

                                                              Na kahit sa munting sulat na ito'y may konting mapawi,
                                                              Sana'y mabawasan ang pagod, madagdagan ng ngiti.

                                                              Wednesday, February 19, 2020

                                                              :)

                                                              Roses are red,
                                                              Violets are blue.
                                                              No, I am not going to try,
                                                              Cliche words for you.

                                                              I know lately you have been thinking,
                                                              Things might have gone against your wishing.
                                                              I just want you to know,
                                                              When you're okay or not, here I will always be waiting.

                                                              I know you can do it alone,
                                                              I never said you couldn't.
                                                              I just offered myself if you need,
                                                              Maybe just this time, for a change. :)

                                                              We all have our own demons,
                                                              I am glad you can handle yourself well on your own.
                                                              Probably a sign,
                                                              We are riped by our experiences, not just by time.

                                                              I solemnly apologize if holding your hand makes you uneasy,
                                                              I will try my best to take it slowly.
                                                              But if I can never stop please forgive me,
                                                              It's just the first time I have met a fine lady.

                                                              I know sometimes I am silent and boring,
                                                              Believe me I have searched my mind from hell to the heavens.
                                                              I can't focus, my heartbeat is taking over,
                                                              When I touch your hand, I want it forever.

                                                              This is the first time I have written a real person's name,
                                                              But never will I hesitate, If it's you Bem-Bem.
                                                              This might just be a simple poem,
                                                              But sometimes simple is better than chaos and ruins.

                                                              If only I could give you a hug,
                                                              I want to hug you like it's the last.
                                                              A hug that will make you feel,
                                                              Safe in my arms.... 

                                                              Thursday, February 13, 2020

                                                              Araw ng mga puso

                                                              At sa isang pintuan ako'y kumatok, 
                                                              Di alintana ang takot na baka ako'y muling mabagok.
                                                              Muling masaktan, Buong tapang na haharapin ang matarik na daanan.

                                                              Dahil kung hindi mo rin pagbubuksan, 
                                                              Sanay naman akong mag antay sa labas at mag bilang ng ulan.
                                                              Mga imahe sa hangin, mga mata mo'y may nais ipahiwatig sa akin.

                                                              Ngunit kung di sapat ang aking pag uunawa.
                                                              Ako sana'y patawarin. 
                                                              Ikaw naman ay tunay kong mamahalin.

                                                              Dahil ito ang araw, 
                                                              Araw ng puso natin. :)

                                                              Friday, December 13, 2019

                                                              Binibining Culver


                                                              Isang umaga nakitang nakatulala,
                                                              Malayo ang tingin kahit wala sa bintana.
                                                              Dating matingkad na ngiti,
                                                              Ngayon ay parang nauupos na kandila.

                                                              Sarili ko'y aking nakita,
                                                              Na parang isang salamin.
                                                              Magkaiba man ang mukha,
                                                              Alam kong dati ganyan din ang nadarama.

                                                              Ang pag ibig ay may dalawang mukha,
                                                              Pwede kang pumili, Pero hindi pwede palaging manatili sa gitna.

                                                              Sa panahong digital, Nawalan na ng lohika,
                                                              Ang mga tao ngayon masyado ng umaasa sa makina.
                                                              Kasabay ay nagiging uso na rin yata,
                                                              Kung sino pa ang nagmamahal ay siya pa ang mauulila.

                                                              Binibining Culver, sa sinabi mong lilipas din,
                                                              Puso mo ay unti-unting maghihilom rin.
                                                              At sa hinaharap muli mo mang maaalala ang pagtulo ng yung luha,
                                                              Sa panahong iyon tiyak ko naman ikaw ay tatawa.

                                                              Dahil ang buhay ay parang gulong,
                                                              Masakit at mahirap pag ikaw ay nasa ilalim.
                                                              Ngunit di mapipigilan ang patuloy nitong pag-ikot,
                                                              Lahat ng pait ay mapapalitan, lilipas din.








                                                              Saturday, November 16, 2019

                                                              Farewell


                                                              This is where the line ends,
                                                              The rope that once bind our hearts has broke.

                                                              ----And so, I set you free,
                                                              Fly your wings towards freedom and victory,
                                                              Fly your way, away from me.

                                                              Paalam sa Haligi

                                                              Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...