Monday, March 25, 2019

Binibini



Binibini nais kong marapatin,
Puso mo sana nais kong dalawin.
Kung hindi lang abala sayo,
Tangka ko pa sana itong nakawin.

Hindi ako mahihiya,
Garbo ko'y bibitawan bahagya.
At hindi mag aatubiling magmalimos,
Konting pagtingin mo ay isa ng karangalang lubos.

Siguro ang mga letrang ito'y di mo mapapansin,
Subalit darating ang araw na ako'y ma mi miss mo rin.
At kung buhay pako sa panahong iyon,
Wag kang mag dadalawang isip na sumilong sa aking payong.

Yayakapin kita ng mahigpit,
Pero syempre yan ay may kapalit.
Ngiti sayong pisngi ang siyang kabayaran,
Pagkat ito'y pumapawi sa bigat na aking nararamdaman.


Ang sarap talagang halikan ng iyong noo,
Sana bigyan mo ako ng isang magandang yakap pagkatapos nito.





Sunday, March 10, 2019

Greyed Out



Life so good and enchanted,
Breathing the air God granted.
Appreciating every moment with whom I spent,
Though has become learning, but never been a time wasted.

For what other things we are looking for?,
If we already have it in us afterall.
The only thing that's hard to do,
Is to see how colorful is the life's hue.

And even if we tried to avoid,
Time will come will have to face this cord of morgue.
It has been enough time for running,
When you're ready you won't fear anything.

Let other people be the judge,
A position they are not even qualified.
All I see is hypocrisy,
Nowadays these motherfuckers has been living freely.

And the fuck I care with all they say,
They will still say something even if you do it their way.
So let's go back to square one,
Rather than continuing this already wretched run.

Thursday, March 7, 2019

Sa Sulok



Sa sulok ng isang silid,
Lubid ay pilit binabatid.
Parang kadenang pumipihit,
Nakatali sa puso kong namanhid.

Kahit anong gusto kumawala,
Nauuwi lang lahat sa pekeng pagtawa.
May umuusbong na takot,
Humihina pag-ibig laban sa lungkot.

Kay tagal ko mang minimithi,
Kalayaan para bang di ko mababawi.
Di makita kung pano nakakulong,
Sa rehas mong di masusuplong.

Sa isang sulok ako ay malungkot,
Ngunit nakangiting namaloktot.
Dahil sa isang sulok na sa iba'y salot,
Dun ko inipon at ginapos ang aking poot.

Monday, March 4, 2019

Bahaghari


At sa paglipas ng unos,
Nakatayo parin ang pag-asang nalapnos.
Na para bang may kinakapitan,
Kaunting liwanag lang ang pinanghahawakan.



Di ko alam kung papaano,
Sa bawat pagtulog inaalala ko.
Sa bawat pag higa nakikita ang mukha mo,
Na umaasang sana maging tayo.


Alam ko namang impossible,
Pero nasanay narin naman kasi akong mabuhay at mag silbi.
Di alintana ang galit at poot saking damdamin,
Pagtatampo ko'y wag sanang baliwalain.


Isang munting hiling na sanay mapansin,
Di man ako ang iyong hiling ngunit ikaw ay lahat para sakin.
Mahirap man lampasan ngunit aking titiisin,
Hanggang sa muling pag unos aantayin ang iyong pagdating.

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...