Wednesday, June 19, 2019

Bitter Ako


Nakakamithi at nakakabighani,
Mapula mong labi na tinatakpan ng ngiti.
Ngunit binibini pasintabi,
Anong nangyari sa makinis mong pisngi?

Halos pinangandakan sa buong mundo,
Na siya ang karapat dapat ibigin mo.
Yung tipong ikaw ay sigurado,
Happy ending nag aantay sa dulo.

At lumipas ang ilang buwan,
Dati masaya mong mga araw ngayon ay luhaan.
Di kaba nag tataka?,
Kung tama ang nabasa mo sa FB bakit marami parin ang lumuluha?.

Nasanay kasi kumain sa suhestyon ng madla,
Inapakan nararamdaman at pumili ng iba.
Kasi "he is the right one" sabi nila,
Nakalimutan panahon nagbago na kahit pangit ay lolokohin ka pa.

Di ko naman sinasabing di ako nabibilang jan,
Atleast ako may konting katalinohan.
Alam ko ang tama sa mali,
Kaya tama ng mahalin ka at mali ng maglaan pa ng oras sayo.


Thursday, June 13, 2019

Paalam na muna



At ito na ang aking huling tula,
Sa lugar na ito kung saan nagsimula.
Kung saan natagpuan ko ang ugat,
Ang Dahilan kung bakit sinimulang magsulat.

Salamat sa pagbigay ng dahilan,
Gana ko sa pagsusulat ay nadiligan.
Ngunit baka di na kita makitang muli,
Sa lugar na ito ako na ay aalis.

Salamat sa mga naipakita mo,
Sa pagpuna mo sa pagyayabang ko.
Kung maibabalik ko lang sana,
Baka kung nagsinungaling ako naging tayo pa.

Ngunit di ako nag sisisi,
Ayoko rin kasing manggamit ng iba para sa sarili.
Ako'y masaya marami akong nakilala,
Maraming karanasan aking nakita minsan nga naramdaman pa.

Isang daan tula kong pangako,
Sayo ay di mapapako.
Mawala man ako sa lugar na ito,
Patuloy parin naman akong matututo.

At sa panahong mababasa mo to,
Pasensya wala akong lakas magpaalam sayo.
May boypren kana,
Hindi na pwedeng bumalik pa.

Ganun paman ang makilala ka at iba pa ay naging mahalaga,
Para ako noon ay magiging ako ngayon.
Lubos nagpapasalamat ang aking puso,
Hanggang sa huling pagkikita binibini.

Antabayanan ang pagkatapos ng isang daang tula,
Pinangako ko sayo di mawawala.












Saturday, May 11, 2019

Stars



If ever our stars will align,
If ever there's still hope for the condemned.
I wish it would be soon,
Before my heart will get completely torn.

I wish to walk in the rain,
To go where you had been.
And somehow at least wipe your tears,
For those times You didn't have my shoulder.

The infinite darkness seems to cower down below.
One false move and I will have to let go,
I lean to this little thread of hope,
Never mind the fact that they cut me off.

But here I am still standing,
For your arrival I'll be waiting.

Roses are red, Violets are blue.
I like your hair, As I like you too...

Monday, April 22, 2019

Huling Tula Para Sayo




Bato ako nung una tayong magkita,
Walang pake sa lahat ng daing mo't salita.

Ilang buwan ako ay nawala,
Ngunit ngayon nagbalik bigla.
Hindi ka naman yata natutuwa,
Nanlamig ka nalang bigla.

Isang umaga ginusto kitang makita,
Gumawa ng paraan para masilayan ang yong mukha.
Sa konting oras ako'y naghanda,
Sinwerte naman ako pumabor ang tadhana.

At yon nakita kita,
Iba na ang guhit ng yong mukha.
Nawala na ang ngiti mong masaya,
Na para bang ang makita ako ay isang penetensya.

Ikaw ay bumalik sayong sasakyan,
Pagtingin sayo'y di tinigilan.
Dun ko napagtanto ang bigat,
Kirot sa puso na parang bang tinanggalan ng ugat.

Ang umagang akala ko ay swerte,
Pinag-isipan ko buong gabi.
Wag na nating pahirapan ang ating sarili,
Mas pipiliin kong maging masaya ka kahit di katabi.

Nakakalungkot umabot sa dulo,
Lalo na pag tahimik lahat ng tao.
Masyado man akong drama kung minsan,
Wag kang mag-alala sakin matigas ako. 

Handa kitang ipaglaban,
Pero kung yan ang nagpapabigat sa loob mo ay wag nalang.
Mas pipiliin kong tawagin quitter at duwag,
Kaysa makita kang nakasimangot magdamag.

Sana makita mo sa kanya ang wala sakin,
Ang tuluyan kang sumaya aking dalangin.
Sa simula palang ako'y nanalo na,
Pagtanggap mo sa paghingi ko ng tawad,
Lubos na sakin nagpapasaya.

Ang nakaraang lingo ko ay napakasaya,
Di ko inakalang ako ay sumobra.
May mga bagay akong kaylangan tanggapin.
At isa na dun na hindi ako ang yong iibigin.

Wag kang mag-alala,
Pagkakaibigin natin hindi mawawala.
At kung sakaling tayo sa daan ay magkita muli,
Ibibigay ko parin sayo matamis kong ngiti.


























Thursday, April 18, 2019

Patawad



Di ko alam kasalanan na palang mahalin ka,
Gusto ko lang naman sana madama mo kung gano ka kahalaga.
Patawad kung para sayo ang mensahe nag-iba,
Pasensya na po talaga.

Pikit matang mag-titiis kahit mahapdi na,
Kahit di ko alam kung tama paba.
Wala nga siguro tayo sa parehong pahina,
Malungkot ngunit wala ng magagawa pa.

May kasalanan ako pero kung kasalanan man ang mahalin ka,
Mauuna nakong hihingi ng despensa.
Patawad ngayon, at sa susunod pa,
Yan kasi ang kasalanang gugustuhin kong uulit-ulitin pa.

Monday, April 15, 2019

My Lovely Rose


To love is like hugging a rose,
You have to prepare yourself to be pierced by its thorns.
Will not only sting the bones and flesh but the heart,
Your scream and cry won't be heard when you are worlds apart.

At This Moment


Sa oras na ito'ng dalawang monitor ang nakikita,
Bigla kong naalala,
Matatamis mong ngiti nung una tayong nagkita.

Ano bang gagawin para maibalik,
Kinang ng iyong matang nakakahumali?.
Ipagluluto ko kaya ng cake?

Wag dahil mag ka dyabetes,
At kung puso nanlamig magiging sorbetes.
Sa sobrang tamis baka namamanhid,
Anong dapat gawin para tumibok para sakin?

Sunday, April 14, 2019

Now is the Time

At kung sakaling darating ang panahon,
Marinig mo ang aking tugon.
Sa puso't isip mo'y sana mababaon,
Minahal kita noon at ipaglalaban kita ngayon.

Tuesday, April 9, 2019

Puerta Cerrada



I still don't understand how things revolve,
On my surrounding they seem to evolve.
Leaving me wondering and halted,
People really sometimes are stupid.

You clearly know it's a fake admiration,
A consistent effort because he wants your attention.
You know it's wrong in the first place and yet,
Just how much do you love to drink that poison.

They said the one who never gives up has the real feelings,
Then why do they always end up cursing while crying?.
It's no brainer to tell the difference,
Yet you don't want to be called no intellect

You've seen how pure was my heart,
Until the day I chose to live in the darkest part.
These chain that binds me to hate I can't break,
No matter how fast I ride I can't escape.

I never regret facing this horror,
I will have this hate with smile until my heart opens again and unlocks the door.
I have to because I made the biggest mistake not just an error,
It shouldn't have been you I gave my heart for.

Monday, April 1, 2019

April Fools


I once went to a cafe,
Ordered a small cup of tea.
As smooth as butter gushed on my throat,
I was so satisfied with what I bought.

Summer is coming,
The hot sun is rising.
I love seeing the sky crying,
But for quite sometime we may never see the rain.

But before summer has come to be,
First, Let it be April fool me.

Monday, March 25, 2019

Binibini



Binibini nais kong marapatin,
Puso mo sana nais kong dalawin.
Kung hindi lang abala sayo,
Tangka ko pa sana itong nakawin.

Hindi ako mahihiya,
Garbo ko'y bibitawan bahagya.
At hindi mag aatubiling magmalimos,
Konting pagtingin mo ay isa ng karangalang lubos.

Siguro ang mga letrang ito'y di mo mapapansin,
Subalit darating ang araw na ako'y ma mi miss mo rin.
At kung buhay pako sa panahong iyon,
Wag kang mag dadalawang isip na sumilong sa aking payong.

Yayakapin kita ng mahigpit,
Pero syempre yan ay may kapalit.
Ngiti sayong pisngi ang siyang kabayaran,
Pagkat ito'y pumapawi sa bigat na aking nararamdaman.


Ang sarap talagang halikan ng iyong noo,
Sana bigyan mo ako ng isang magandang yakap pagkatapos nito.





Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...