Tuesday, June 12, 2018

Ending Scene


Kasabay ng huling eksena sa isang pelikula,
Ay ang pag baba ng kurtina.
Na tila ba'y tinatakpan ang mga artista,
Tinatago ang and dating masaya nilang mukha.

Tapos na kasi ang palabas,
Di na kelangan manatili at magsayang ng oras.
Ang mga tao dapat ng magsipag uwian,
Tapos na ang lahat di na maibabalik ang nakaraan.

Nakakatuwang isipin,
Yung minsan dahilan ng pag-gising.
Ay naging dahilan kung bakit,
Ikaw ngayon ay lasing.

Lilipas din ang mga araw,
At ang ligaya'y unti unting maaagaw.
Mapapalitan ng lungkot,
Ang masayang mukha magiging simangot.

Ito and ending scene,
Minsan matagal pero di maiiwasang darating.
Mapalad ka kung sa huli ika'y maaalala,
Kadalasan kasi nababaon at nalilimutan ang mumunti nyong ala-ala.

Wala na lahat ng tao umuwi na,
Ikaw nalang ang natira.
May pag pipilian ka din naman,
Uuwi din at dadalhin ang natirang ala-ala,
O mananatili kasi baka may sequel pa.

Ingat lang sa sequel kasi minsan nag i-iba ng bida,
Baka yung inaantay mong artista,
Di mo na makikita,
Kasi yung hinahanap mo sa kanya nasa iba pala.

No comments:

Post a Comment

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...