At sa kabilang panig ng pag-ibig na masaya, ay mga storya ng sakit at hilaw na pag-asa.
Friday, June 8, 2018
Hakbang Pasulong
Sarap mabuhay at umibig,
Pero wala ng sasarap pa sa matamis mong tinig.
Na wari'y parang haplos sa aking likod,
Mainit, ramdam ko ang sarap bawat hagod.
Heto nanaman yung mga ngiti mo namang nakakahumali,
Parang ini-imbitahan din akong ngumiti.
Di maiiwasan at nakakahawa,
At dahil jan akoy ngumiti rin at sumaya.
Andito lang ako,
Di naman ako mawawala.
Gawin mo na kung kuya, papa at kahit ano pa,
Tatangapin ko makasama lang kita.
Sapat na sakin ang nahawakan ko ang iyong mga kamay,
At sinandal mo ang iyong ulo sa aking balikat.
Sarap sa pakiramdam na para bang ako ay karapat dapat,
Na mag alaga sayo, ang mga saglit na sandaling iyun ay sapat.
Alam ko namang impossible,
Pero ang umasa kasi ay libre.
Okay lang makalimutan mo pag-gising,
Pag di kana tulog at hindi kana lasing.
Ngayon ako'y matutulog na,
Tatlong minuto pa bago matapos itong huling kanta.
Ang init ng panahon,
Pero bakit makakapal na ulap lang ang nakikita ng aking mata.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paalam sa Haligi
Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...
-
Katwiran, isang salitang tangi kong panlaban, Sa bawat pagkakataong ako'y nahihirapan. Lagi akong may katwiran, Pero kahit meron n...
-
Binilang ko ang tala at buwan araw-araw gabi gabi, Ngunit di ko parin mahagilap at maisip kung pano ako sayo tatabi. Masyadong mataas an...
No comments:
Post a Comment