Thursday, May 24, 2018

Spoken poem: Ang huling Bira



Binilang ko ang tala at buwan araw-araw gabi gabi,
Ngunit di ko parin mahagilap at maisip kung pano ako sayo tatabi.
Masyadong mataas ang ating agwat,
Di ko man lang alam kung saan mag uumpisang magsukat.

Tila lahat yata ng aking ginagawa, sayo ay bale wala,
Sinubukan ko naman pero wala talaga akong magagawa.
Kung ang iniibig mo'y siya "eh di okay kayo na".
At ako namay lalayo at maglalaho na parang bula.

Wala kang maririnig sakin na kahit ano,
Pagkat di ako mahilig magsalita.
Kung ano mang hinanakit para sayo ay kikimkimin ko na,
Para naman kahit papano ikaw ay matuwa.

Araw-araw ako'y iiyak, matutulog, babangon, magtratrabaho,
Ano sa akala mo sakin may magbabago?.
Ikaw ay mahalaga sakin pero iba akong tao,
Wag mo ako itulad sa mga nakilala mo.

Alam kong akala mo- alam mo na ang mangyayari,
Eh pano yan di na ako katulad ng dati.
Di ko ipipilit sayo ang aking munting sarili,
Masyado kasing masakit kung ako'y mananatili.

Ang hiling ko lang sana makita mo sa kanya ang di mo nakita sakin,
Sana yayakapin ka niya at hahalikan sa tuwing ika'y natutulog ng mahimbing.

Pupunasan ang dumi sa pisngi mo sa tuwing ikaw kakain,
Ipagluluto ka ng masarap na ulam at mainit na kanin.

Mamasahe-in ang ulo mo hanggang ikay makatulog,
Tapos kakantahan ka ng paborito mong tunog.

Pupunasan ang iyong mga luha,
Papatawanin ka kahit magmukha akong bakla.

At higit sa lahat di ka iiwanan kahit kelan,
Di tulad ng ginawa mo sakin nung April 1.

Di ko man naabot ang iyong hinahanap,
Sigurado naman akong binigay ko ang lahat ng dapat.
Hanggang dito nalang muntik kong forever,
And I hope I'll see you never.






No comments:

Post a Comment

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...