Tuesday, May 29, 2018

Spoken Poem: Katwiran




Katwiran, isang salitang tangi kong panlaban,
Sa bawat pagkakataong ako'y nahihirapan.
Lagi akong may katwiran,
Pero kahit meron nyan ang sakit di parin maiiwasan.

Pilit kong niloloko ang aking sarili upang ika'y kalimutan,
Ang isang araw ay dadaan,
Ngunit sa gabi ikaw parin ang nasa isipan,
Hiling ko lang sana ika'y tuluyan ng makalimutan,
Ng ako'y mabigyan katahimikan.

Sa bawat pagsara ng pinto sa puso mo,
Ay parang isang saksak sa puso ko.
Unti-unting bumabaon,
Na wari'y isang matulis na kutsilyo.

Pero okay lang nasanay na ako,
At kung sanay kana sa isang bagay ay parang wala nalang ito.
Araw-araw dadalhin ang kirot,
Titiisin sa bawat paghakbang papalayo.

Sana lang wifi ang gamit at hindi data,
Kasi ang wifi my limitado ang pag konekta.
Lagot ka kung naka data,
Kahit saan ka lalayo may signal parin kahit mahina.

Hindi issue kung sinong nauna,
Sapagkat kahit mabilis ang drag racer mahina parin sa kurbada.
Lalo na kung di niya alam ang daan,
Siguradong manga-ngapa sa kadiliman.

Ano ang iyong katwiran?,
Gaano kabigat at tila mas pinili mong panindigan.
At ang pag-ibig ay tinalikuran,
Lalong pinaglayo ang dalawang puso sa bakuran.

Ang puno ay matibay,
Kahit hindi diligan ay di tatamlay.
Ngunit putulin mo ang ugat at namamatay,
Nananatiling nakatayo ng walang buhay.

Ang katwiran mo ay aking irerespeto,
Sadya nga kasing magkaiba ang mga tao.
At sa bawat puso natin mayroon tayong gusto,
Nagkataon rin puso ko'y tigang pa sa bato.









No comments:

Post a Comment

Paalam sa Haligi

Isang pamamaalam sa aking naturingan, Isang modelo na pilit kong tinutularan. Mula pagkabata hangang mag-kamulat, Ikaw ang sa tingin ko'...